Hindi lang sina Gemma (Kylie Padilla), Crystal (Gabbi Garcia) at Onyx (Vin Abrenica) ang nakakarinig ng budyong!
Noong Biyernes, March 17, isang kakaibang tunog ang narinig ng mga tao sa kamaynilaan.
Kasabay ng tunog ng budyong ay ang paglabas ng ilang miyembro ng grupo ng mandirigma na Kinalakian na pinamumunuan ni Hara Urduja (Sanya Lopez) mula sa mythical primetime mega serye na 'Mga Lihim ni Urduja.'
Tignan ang mega support ng mga manonood para sa pinag-uusapang action-adventure series!
Nasa Maynila na ang mga Kinalakian!
Matapos marinig ng mga tao ang budyong ay pinagkaguluhan ng mga ito ang tila mga miyembro ng Kinalakian na pinamumunuan ni Hara Urduja (Sanya Lopez) sa mega seryeng 'Mga Lihim ni Urduja.'
“Para sa Tawalisi! Sugod Kinalakian! Hara Urduja!” sigaw ng mga ito.
Talaga namang bumuhos ang mega support ng mga taga-Maynila at nakisali rin ang mga ito sa pagsigaw!
Bata man o matanda ay gustong makakuha ng litrato kasama ang Kinalakian!
Mukhang nagutom ang mga Kinalakian kung kaya't napakain ang mga ito ng street food!
Panoorin ang action-adventure series na 'Mga Lihim ni Urduja,' Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.