TV

'Mga Lihim ni Urduja,' kayang makipagsabayan sa Hollywood films!

By Abbygael Hilario

Ipinagmalaki ng direktor ng Mga Lihim ni Urduja na si Jorron Lee Monroy ang mga dapat abangan sa kanilang bagong obra.

Ayon kay Jorron, kayang-kaya makipagsabayan ng naturang mega serye sa international films dahil sa ginamit na bagong technology na kauna-unahang makikita sa Mga Lihim ni Urduja.

"In this project, we're also introducing a new technology in film making. So, nagsimula 'yon na nakuwento ko lang na baka magandang gawing graphic novel yung mundo ni Urduja. And then, yung executive producer namin, si Miss Mona Mayuga, introduced this new technology na naririnig ko na 'to meron siya sa Hollywood and she made it happen. It's here!" paglalahad ni Direk Jorron sa ginanap na media conference ng inaabangang mythical primetime mega serye, na ginanap kahapon, February 15, sa Quezon City,

Patuloy niya, "We're putting a virtual world for you guys, na never been done in the country. So, nandun yung mindset nung buong grupong 'to, nung produksyon, nung Network actually. GMA is now putting forward the creativity and artistry of its talents rather than just quantity."

Para naman sa associate director nitong si Ralfh Malabunga, ito ang 'most innovative series of GMA' ever produced.

"Gusto kong tawagin kasi 'tong serye na to na isa siya sa 'most innovative series of GMA' ever produced. So, with the introduction of the new technology na gagamitin namin sa mundo ni Urduja, na ikagugulat at ikamamangha ng lahat, gusto kong sagutin na: yes, big budgeted siya. Pero gusto kong sabihin na we've done this creatively na magiging proud kami sa mga sarili namin," paliwanag niya.

Bibida sa serye na ito ang Jewels of Primetime na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez. Makakasama nila ang Kapuso stars na sina Kristoffer Martin, Pancho Magno, Vin Abrenica, Michelle Dee, Arra San Agustin, Zoren Legaspi, Jeric Gonzales at Rochelle Pangilinan.

Abangan ang nalalapit na world premiere ng Mga Lihim ni Urduja, ngayong February 27 na sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, ALAMIN ANG SAMPUNG RASON KUNG BAKIT DAPAT PANOORIN ANG MGA LIHIM NI URDUJA SA GALLERY NA ITO: