
Matapos magtrending sa Twitter ang pilot episode ng 'Mga Lihim ni Urduja' noong February 27, muling pinag-usapan sa social media ang naturang mega serye!
Kabilang sa trending topics sa Twitter Philippines kahapon, February 28, ang '#MgaLihimNiUrduja' at '#UrdujaItinakda.'
Sa kasalukuyan, mayroon na itong halos 21,000 tweets!
Nasaksihan sa ikalawang episode kagabi ang unang engkwentro nina Gem (Kylie Padilla) at Crystal (Gabbi Garcia) sa grupo ng bounty hunters na binubuo nina Vin Abrenica, Michelle Dee, Arra San Agustin, Kristoffer Martin at Pancho Magno.
Napanood din ang sayaw ng Tawalisi na pinangunahan nina Hara Urduja (Sanya Lopez) at Dayang Salaknib (Rochelle Pangilinan).
Sa susunod na episode, mas magiging malapit na sina Gemma at Crystal! Ang kanilang paghahanap sa hiyas ni Urduja ang siyang magiging dahilan upang mahanap rin nila ang kanilang totoong pagkatao!
Habang tumatagal, mas makikilala na rin natin ang bounty hunters!
Tutukan ang kanilang misyon sa 'Mga Lihim ni Urduja,' Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.
SILIPIN ANG HIGHLIGHTS MULA SA MEDIA CONFERENCE NG 'MGA LIHIM NI URDUJA' SA GALLERY NA ITO: