
Kasalukuyang napapanood si Gabbi Garcia sa GMA action-adventure series na Mga Lihim ni Urduja.
Ginagampanan ni Gabbi sa serye ang karakter ng fashionista at jeweler na si Crystal Posadas.
Noong ipalabas ang pilot episode ng programa, matatandaang kinagiliwan agad ng mga manonood ang aktres bilang si Crystal.
Matapos ang ilan pang episodes, mayroong mga manonood na tila medyo nakukulitan daw sa kanyang karakter.
Nang makapanayam ng GMANetwork.com si Gabbi, ibinahagi niya ang kanyang reaksyon sa natatanggap niyang mga komento tungkol dito.
Pagbahahagi ni Gabbi, “Kung nakukulitan sila, ibig sabihin effective ako, kasi 'yun talaga 'yung role ni Crystal. She lightens up the story because the story is very serious-action. Siya 'yung nagla-lighten up ng bawat eksena. Kahit ako, 'yun 'yung ano ko… while taping. I was asking our director, 'Direk hindi ba masyadong makulit, or hindi ba masyadong maarte or madaldal si Crystal? No! that's really your character.” So ako parang, okay, I'll work around it…”
Dagdag pa niya, “Natutuwa rin ako sa feedback ng mga tao na she's like a ray of sunshine. Nakikita ko rin 'yung TikTok edits nung mga nakakatawang scenes ni Crystal na kino-compile nila [viewers and netizens], which is very fulfilling. Kasi, first time ko rin 'yung ganito na medyo pa-comedy na for the character. I'm just grateful for the feedback that I'm receiving.”
Kasama ng tinaguriang Millennial It Girl sa ongoing series sina Kylie Padilla, Sanya Lopez, Jeric Gonzales, Michael Roy Jornales, Vin Abrenica, Michelle Dee, Arra San Agustin, Kristoffer Martin, Pancho Magno, at marami pang iba.
Bukod sa Mga Lihim ni Urduja, mapapanood din ngayong taon si Gabbi sa GMA drama series na Unbreak My Heart.
Samantala, patuloy na subaybayan ang Mga Lihim ni Urduja, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.
SILIPIN ANG SET NG MGA LIHIM NI URDUJA SA GALLERY SA IBABA: