TV

Gabbi Garcia says Kylie Padilla is one of her trusted friends in showbiz

By EJ Chua

Matapos magkasama sa Encantadia, isang reunion project para kina Gabbi Garcia, Kylie Padilla, at Sanya Lopez ang serye nila ngayon na Mga Lihim ni Urduja.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Gabbi na masaya siyang muli niyang nakasama ang dalawa sa kanyang Encantadia sisters na sina Kylie at Sanya.

Pagbabahagi niya, “Sobrang masaya, isa 'yung sa mga malaking rason kung bakit kaming lahat excited na gawin 'tong project na ito it's because magkakasama kami. Although si Sanya kasi lagi siyang nasa studio, so ang madalas kong kasama si Kylie talaga. We're really really close and happy kami na magkasama kami sa set. She's one of my trusted friends in showbiz since Encantadia, that's why I really appreciate it na magkasama kami.”

Kahit tapos na raw ang Encantadia nanatiling magkakaibigan ang mga aktres.

Kuwento ng tinaguriang Millennial It Girl, “Constantly, always, si Sanya lagi ko nakikita sa GMA for All Out Sundays. Si Kylie naman hindi kami nag stop na magkausap, mag text so talaga we stayed close.”

Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Gabbi na madalas silang nagbe-brainstorm ni Kylie habang nasa set ng ongoing serye.

Ayon sa aktres, A lot of times I asked for her [Kylie Padilla] opinion, siya rin tinatanong din niya ang opinyon ko. Like, tingin mo pwede ko kaya 'tong gawin sa eksenang 'to... Ganon kami sa sobrang hindi kami nagkakahiyaan, nagtatanungan na rin kami ng feedback sa isa't isa… sa craft namin… Nandodoon na kami sa point ng relationship namin na 'yon.”

“I appreciate honest feedback, kaya talagang si Kylie ang lagi kong tinatanong, natawa ka ba? Nagwo-work ba 'yung ganitong atake, 'yung mga ganong bagay,” dagdag pa niya.

Si Gabbi Garcia ay napapanood bilang si Crystal Posadas sa GMA action-adventure series na Mga Lihim ni Urduja.

Bukod sa naturang serye, mapapanood din ngayong taon si Gabbi sa GMA drama series na Unbreak My Heart.

Samantala, patuloy na subaybayan ang Mga Lihim ni Urduja, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

SILIPIN ANG SET NG MGA LIHIM NI URDUJA SA GALLERY SA IBABA: