GMA Logo Camille Prats Katrina Halili in Mommy Dearest
Source: gmanews/YT
What's on TV

Camille Prats, Katrina Halili, co-stars, happy at grateful sa pilot episode ng 'Mommy Dearest'

By Kristian Eric Javier
Published February 26, 2025 3:51 PM PHT
Updated February 26, 2025 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 30, 2025
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Camille Prats Katrina Halili in Mommy Dearest


Magkahalong saya at kaba ang naramdaman nina Camille Prats, Katrina Halili, at ng buong cast sa unang episode ng 'Mommy Dearest.'

Nakakainis at nakakaiyak ang ilan sa mga rollercoaster na emosyon na naramdaman sa pilot episode ng bagong Afternoon Prime Series na Mommy Dearest.

Hindi lang ang mga Kapuso ang nag-abang sa unang episode ng serye dahil maging ang cast nito na sina Camille Prats, Katrina Halili, Shayne Sava, Dion Ignacio, Prince Carlos, at Amy Austria ay nagkaroon din ng watch party at tinutukan ang kanilang serye.

Sa unang episode ng Mommy Dearest pinakilala na ang dalawang ina, si Emma (Katrina), na gagawin ang lahat para mailigtas ang kaniyang anak, at si Olive (Camille) na nawalan ng anak dahil sa disgrasya.

Sa panayam ni Lhar Santiago kina Camille at Katrina para sa 24 Oras na ipinalabas nitong Martes, February 25, ipinahayag ng dalawang aktres kung gaano sila kasaya sa pilot episode ng Mommy Dearest.

“Masaya, masaya po kami du'n sa pinanood namin pero kinakabahan din kami, sana okay,” sabi ni Katrina.

Ayon kay Camille Prats, ito ang kaniyang kauna-unahang watch party, at masaya umano siya na maranasan ito.

“First time kong ma-experience to watch the first airing together with the whole cast. And Tito Lhar, masarap 'yung feeling kasi isang taon namin itong ginawa e,” sabi ng aktres.

KILALANIN ANG CELEBRITES NA BUMIBIDA SA 'MOMMY DEAREST' SA GALLERY NA ITO:

Samantla, bilang mga ina ay ibinahagi rin nina Camille at Katrina sa kanilang interviews sa GMA Integrated News ang kani-kanilang paraan para magkaroon ng magandang relasyon sa kanilang mga anak.

Para kay Camille, importante na mayroong kang intensyon na maging parte ng buhay ng iyong anak. Ngunit saad ng aktres, “Pero hindi ko masasabi na hindi ako disciplinarian kasi importante 'yung disiplina sa mga bata.”

Importante naman umano para kay Katrina ang maging close siya sa kaniyang anak na si Katie at maging sweet sa kaniya lalo na't hindi niya ito kinalakihan sa sariling ina.

“Ayoko ng parang maiilang sa'kin, lalo na ngayon gusto ko mas maging sweet sa'kin 'yung anak ko kasi lumaki ako na hindi ako sweet sa Nanay ko kasi hindi kami sanay,” sabi ni Katrina. Ngunit kahit busy sa kanilang schedule, alam pa rin ng dalawang aktres ang kanilang priority: ang kanilang mga pamilya.

Pagbabahagi ni Katrina, isa sa mga gusto nilang gawin ni Katie ng magkasama na hindi pa nila kailanman nagagawa ay mag-travel nang silang dalawa lang. “Sana this year, mag-travel kaming dalawa lang, walang yaya.”

Ibinahagi naman ni Camille ang realization niya bilang isang ina, “Kapag pala wala 'yung presence mo sa bahay, they really feel na wala ka du'n.”

Pag-amin ng aktres na dati akala niya ay drama lang iyon ng mga bata upang makuha ang atensyon ng kanilang mga magulang. Ngunit ngayon, mas naintindihan na niyang kailangan maramadaman ng mga anak ang presensya ng kanilang mga magulang.

Panoorin ang buong panayam kina Camille at Katrina dito: