What's on TV

Olive, kinukuha na ang pamilya ni Emma!

By Kristian Eric Javier
Published May 16, 2025 7:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DA creates watchdog for FMR monitoring
Alleged Dawlah Islamiyah leader, bomb expert killed in military ops
Marian Rivera's new bag charm is from an Italian fashion house

Article Inside Page


Showbiz News

Camille Prats as Olive in Mommy Dearest


Inumpisahan na ni Olive ang ganti niya laban kay Emma, at sinimulan niya ito sa pagkuha ng kaniyang pamilya.

Palala na nang palala ang kundisyon ngayon ni Emma (Katrina Halili) dahil sa pagpapainom ni Olive, bilang si Jade (Camille Prats) sa kaniya ng mga gamot, dahilan para mag-hallucinate siya.

Sa mga nakaraang episode ng Mommy Dearest, inalok ni Jade na manirahan ang pamilya nina Emma sa bahay niya, matapos mapaalis sa bahay na tinitirahan nila. Ngunit sa paglipat nila sa bahay ay nagsimula na rin ang paghihiganti ni Olive.

Unti-unti ay nilalagyan ni Olive ang mga pagkain at inumin ni Emma ng gamot, dahilan para maging mag-hallucinate at maging mas iritable siya sa mga tao. Ito rin mismo ang naging dahilan kung bakit halos masaktan niya ang anak na si Mookie (Shayne Sava), dahilan para maalala nito ang trauma na sinapit kay Olive.

Ngunit nitong nakaraang episode, lalong pinapalala ni Jade ang sitwasyon ni Emma. Sa tulong ng gamot, pinalala ni Jade ang hallucinations ni Emma, dahilan para tuluyan na niyang masaktan si Mookie.

BALIKAN KUNG PAPAANO PINASAYA NG 'MOMMY DEAREST' CAST ANG MGA MANONOOD SA ISANG KAPUSO MALL SHOW SA MANILA SA GALLERY NA ITO:

Dahil dito, at sa takot sa nagawa sa anak, tumakbo papalayo si Emma ngunit aniya, hindi niya alam kung bakit at papaano niya nagawa ang mga bagay na iyon sa kaniyang pamilya, lalo na kay Mookie.

Sa huli, lahat ng ito ay pakana lang ni Olive para makaganti kay Emma. Paraan niya umano ito para maagaw ang pamilya ng kaniyang kapatid, kabilang na si Mookie at si Danilo. Tuluyan kayang maagaw ni Olive ang pamilya ni Emma?

Samantala, papasok naman bilang isang bagong karakter si Kapuso star Rocco Nacino. Sino kaya ang kanyang karakter at ano ang magiging papel niya sa buhay nina Jade, Emma, Mookie, at Danilo?

Abangan ang Mommy Dearest Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.