GMA Logo mommy dearest
What's on TV

Mommy Dearest: Olive, makikilala na ang nakaraan ni Jade!

By Kristian Eric Javier
Published May 20, 2025 1:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UN completes investigation into ICC prosecutor Khan's alleged sexual misconduct
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

mommy dearest


Papasukin na ng nakaraan ni Jade ang buhay ni Olive sa katauhan ni Logan Alvarez

Makikilala na sa wakas ni Olive (Camille Prats) ang tao mula sa nakaraan ni Jade (Camille Prats) na laging nanggugulo sa kaniya sa Mommy Dearest!

Matatandaan na noong nakaraang linggo, namatay si Jade matapos mahulog. Kaya naman, para makaligtas sa mga kapulisan, nakipagpalit si Olive ng katauhan dito at kinuha ang kaniyang pagkakakilanlan.

Ngunit tila may tinatago rin si Jade sa kaniyang kakambal. Matapos kasing simulan ni Olive ang pagpapanggap bilang si Jade, may nangungulit sa kaniya na tawag nang tawag, ngunit hindi niya sinasagot ito.

Sa episode nitong Lunes, May 19, nakausap na sa wakas ni Olive sa telepono ang tao mula sa nakaraan ni Jade. Sabi ng kaniyang kausap ay natutunton na nito sa wakas si Jade, ngunit sinabihan siya ni Olive na hindi niya ito kilala at binabaan ito.

Sa episode ngayong Martes, May 20, ay magpapakilala na ito ng personal sa wakas. Si Logan Alvarez, ginagampanan ni Rocco Nacino, ay ang taong diumano ay hinuthutan ni Jade ng pera, bago ito tuluyang naglaho ng parang bula.

Paano babaguhin ni Logan ang buhay ni Olive, na nagpapanggap ngayon bilang si Jade at paano siya makakaapekto sa buhay nina Emma (Katrina Halili), Mookie (Shayne Sava) at Danilo? (Dion Ignacio)?

Abangan ang Mommy Dearest Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.

SAMANTALA, BALIKAN ANG PAGIGING BAHAGI NI ROCCO NG 'MOMMY DEAREST' CAST SA NAGANAP NA KAPUSO MALL SHOW SAS GALLERY NA ITO: