
Huling-huli na ang pagpapanggap ni Olive bilang si Jade (Camille Prats) sa Mommy Dearest!
Noong mga nakaraang linggo, nakilala na ng pamilya ni Emma (Katrina Halili) ang kaniyang kambal na kapatid na sina Olive at Jade. Pinakulong na din nila si Olive dahil sa mga krimen na ginawa nito laban kay Mookie (Shayne Sava).
Ngunit nakatakas si Olive. Hinabol siya ni Jade at sa komprontasyon nila, nahulog at namatay ito. Para makaligtas sa kapulisan, nakipagpalit ng damit at pagkakakilanlan si Olive sa kanyang kakambal.
KILALANING MULI ANG MGA BIDA NG HIT AFTERNOON PRIME SERIES NA 'MOMMY DEAREST' SA GALLERY NA ITO:
May ilang pagkakataon na muntik nang mahuli nina Ligaya (Amy Austria), Emma, Danilo (Dion Ignacio) at Mookie si Olive. Madalas ay nakikita nila ang ugali nito sa kinikilala nilang si Jade, ngunit lagi nitong nalulusutan ang kanilang mga akusasyon.
Sa episode nitong Biyernes, May 23, lalong tumindi ang paghihinala ni Ligaya sa totoong katauhan ni Jade. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ni Ligaya si Jade na kausap ang sarili sa harap ng salamin.
Narinig ni Ligaya ang sinabi ni Olive ang totoo: na patay na si Jade, at buhay na buhay pa siya. Nilinaw naman ni Olive na hindi niya mapapatay ang kaniyang kakambal at aksidente lang na mamatay ito.
Ngunit matapos mapagtanto ni Ligaya na sinadya ni Olive na ilayo si Emma sa kaniyang pamilya, kinompronta niya ang anak na nauwi sa paghampas nito sa ulo ni Ligaya. Dahil dito ay nawalan ng malay ang kaniyang ina, kaya nagawa niyang igapos at ikulong sa isang kwarto.
Saan kaya hahantong ang pagkulong ni Olive kay Ligaya? Tunghayan sa Mommy Dearest, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.