GMA Logo Katrina Halili in Mommy Dearest
What's on TV

Mommy Dearest: Emma, puspusan ang paghahanda para sa kaniyang paghihiganti

By Kristian Eric Javier
Published May 29, 2025 3:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos rejects PH label as ‘ISIS training hotspot’
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili in Mommy Dearest


Magsisimula na ang paghihiganti ni Emma (Katrina Halili) sa 'Mommy Dearest.'

Puspusan na ang paghahanda ni Emma (Katrina Halili) para sa kaniyang pagbabalik at paghihiganti kay Jade (Camille Prats) sa Mommy Dearest. Sa tulong ni Logan (Rocco Nacino), ay aaralin niya ang iba't ibang paraan kung papaano ipagtatanggol ang sarili at papaano haharapin si Jade.

Sa episode kahapon, May 28, nagsimula na ng physical training si Emma para maipagtanggol ang sarili. Nakaharap niya si Logan at ang tao nito sa isang laban. Tinuruan din siya ni Logan kung ano ang mga dapat niyang gawin kapag nagkapisikalan na sila ni Jade.

Tinuruan din ni Logan si Emma ng iba't ibang moves kung papaano niya mapapabagsak o matatalo si Jade sa isang laban. Ipinakita niya kung ano ang gagawin sa iba't ibang scenario, para mailigtas ni Emma ang sarili.

TINGNAN ANG ILAN SA BEHIND-THE-SCENES NA KAGANAPAN SA NAKARAANG PHOTOSHOOT NG CAST NG 'MOMMY DEAREST' SA GALLERY NA ITO:

Ngunit bilin ni Logan, hindi lang pisikalan ang laban dahil kailangan din gumamit ng utak at determinasyon para manalo si Emma. Dagdag pa niya ay bawat suntok at sipa ni Emma, dapat manggaling sa puso para maiparamdam niya kung ano ang kaniyang pinaglalaban.

Kaya naman, bukod sa physical training, iminungkahi rin ni Logan na pagplanuhan nila kung papaano tatakutin si Jade. Aniya, gagamitin nila ang takot ni Jade nang makita nitong buhay pa si Emma, at sinabi na ito ang tunay na giyera, “Giyera ng utak.”

“Sa giyera, ang pinakamalupit mong armas, hindi baril, kundi takot niya. Kapag napasakan mo ng takot ang kalaban, palpak lahat ng plano niya. Lahat ng kilos niya, na tipong kahit anino niya, hindi na niya mapagkakatiwalaan,” sabi ni Logan.

Isa umano ito sa mga estratehiya na gagamitin nila para manalo kay Jade, ang pahinain ang depensa nito.