
Magsisimula na ang patalbugan nina Emma (Katrina Halili) at Jade (Camille Prats) kung sino nga ba sa kanila ang karapat-dapat na tawaging Mommy Dearest!
Sa episode nitong Martes (June 24), itinakwil na ni Mookie (Shayne Sava) ang kaniyang nanay Emma dahil sa pag-aakala nitong mas gustong sumama ng kaniyang ina kay Logan (Rocco Nacino).
Para kay Emma, ang mga aksyon na ito ng kaniyang anak ay dahil sa pagmamanipula ni Jade. Kaya naman magtutulungan silang muli ni Logan para labanan at gantihan ang kaniang kapatid. Gusto rin umano iparamdam ni Emma kay Danilo (Dion Ignacio) na wala na siyang nararamdaman para sa dating asawa.
Sinimulan ni Emma at Logan ang ganti nila kay Jade nang magpunta rin sila sa restaurant kung saan ito nagfu-food tasting kasama si Danilo.
Sa episode ngayong Miyerkules (June 25), sumunod sina Emma, Logan, at Flor (Riel Lomadilla) sa staycation sana nina Danilo at Jade. Dito ay pinagpatuloy nina Emma at Logan ang kanilang ganti.
Bukod sa pagyayabang na mas maganda at malaki ang suite nila, sinabayan din nina Emma at Logan ang dinner date nina Jade at Danilo sa poolside, bagay na ikinainis ng husto ni Jade. Muntik pa nga itong mag-cancel ng reservation, ngunit napigil ni Danilo na ayaw magpatalo kay Logan.
Naudyukan din ni Emma ang kaniyang kapatid na magpatalbugan sila habang nasa resort. Saan kaya hahantong ang gagawin na paligsahan ng magkapatid? At ano kaya ang magiging reaksyon ni Mookie sa gagawin nilang ito?
Abangan ang Mommy Dearest Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.
MULING KILALANIN ANG MGA BIDA NG 'MOMMY DEAREST' SA GALLERY NA ITO: