TV

How does Coleen Perez prepare for a role?

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Sa pagbabalik tambalan nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez sa teleseryeng More Than Words, makakasama nila ang ilan sa mga bagong stars ng GMA, kabilang ang young actress na si Coleen Perez. Gaganap si Coleen bilang Molly, isa sa mean girls na magpapahirap sa buhay ni Ikay, ang character ni Janine.

"May pagka-slow ang character, sunod lang siya ng sunod sa trip ng character ni Steph (Stephanie Sol)," paglalarawan ni Coleen sa kanyang role.

Hindi daw siya mean girl sa totoong buhay, kaya malaking tulong sa kanya ang isang method of acting na natutunan niya sa workshop with GMA Artist Center.

"Kunwari, kapag hindi naman talaga ikaw, it's like you step in one box and then in that box, you are the other character, you're the alter ego. 'Yun 'yung ginagamit ko."

Dagdag pa niya, "Parang mirror alter ego lang na evil na bully. Parang puwede ko nang i-bully ang lahat ng gusto kong i-bully. Mga ganung tingin, nai-imagine ko na 'Siya puwede, 'yung totoong ako, hindi.' Kasi ang tao maraming characters, you just choose which one 'yung tayo talaga."

Bukod pa dito, nakakakuha din daw siya ng ideas sa mga pelikula. "Nanonood din ako ng mga films and I focus on the kontrabidas, and I see kung paano nila pino-portray, paano 'yung look nila, 'yung eyes nila kung gaano ka-sharp, ganun. I really love Maleficent, kasi kahit evil siya, may soft spot siya."