TV

Rey PJ Abellana on reuniting with Leni Santos: 'I've been longing for this'

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Isa sa mga pinakasikat na love team noong 80s ang tambalang Rey PJ Abellana at Leni Santos na nakilala sa GMA soap opera na Anna Liza. Ngayong 2014, muli silang magtatambal sa upcoming teleserye na More Than Words na pagbibidahan nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

Matagal nang tinalikuran ni Leni ang mundo ng showbiz, kaya naman masayang masaya si Rey PJ nang malamang babalik sa industriya si Leni para sa naturang TV project.

"I'm very much glad and thankful na binigyan ulit kami ng chance ng GMA na magkasama as a team. I've been longing for this, honestly. I've been longing for this to happen again, na makasama ulit siya sa trabaho," he expressed in an exclusive interview with GMANetwork.com.

Pagpatuloy pa ng aktor, "I'm very much aware na may followers kami na hanggang ngayon ay naghahangad at naghihintay na mapanood kami ulit. So, this is it! I'm excited as well na mapapanood na kami, especially ng followers ng Leni-PJ."

Nagkakausap ba sila ni Leni bago ang kanilang onscreen reunion?

"Yes, but not before she came back. Kasi sa Amerika na nakatira 'yan eh. Hindi rin ako mahilig sa Facebook so halos wala kaming communication. But then, kung andito siya, once in a while may communication kami."

Kinamusta din namin ang working relationship niya with his younger co-stars, especially Elmo and Janine. Ayon sa batikang aktor, nakikita daw niya sa dalawa ang kanilang love team ni Leni noong araw.

"Walang kaproble-problema, magagaling sila at professional. Hindi sila sakit sa ulo sa production, pati sa co-stars. They're very well-behaved and nice to work with. Kapag kaeksena ko si Leni, maraming memories ang na-recall ko. Alam mo naman ang industry natin, hindi mawawala ang mga team up na 'yan. Up to the present, inaasahan at ina-admire pa rin 'yan ng viewers," pagtatapos ng aktor.

Abangan si Rey PJ Abellana sa More Than Words, this November na on GMA Telebabad.