TV

Elmo Magalona shifts from Isagani to Hiro

By MICHELLE CALIGAN


PHOTO BY BOCJIC ESTRADA, GMANetwork.com

Nagpamalas ng galing sa drama ang young Kapuso leading man na si Elmo Magalona when he played the role of Isagani in the Afternoon Prime series Villa Quintana. Aminado ang aktor na doon siya nahasa sa pagiging emotional, kaya excited siyang bumalik sa lighter roles, gaya ng gagampanan niya sa More Than Words.

"Mas na-enjoy ko talaga ang ganitong role before, but then, noong gawin ang Villa Quintana, nasanay din ako, nahasa din ako sa pagiging super emotional and heavy. Ito, it has to be fun. I have to make it more fun for me and sa buong set," kuwento ni Elmo in an exclusive interview with GMANetwork.com.

Ikinumpara din ng anak ni Francis M. ang pagkakaiba ng kanyang previous and current characters.

"I think mas light and mas easygoing si Hiro kaysa kay Isagani because si Isagani ang daming problema na dumating sa family niya. Marami talaga siyang iniisip, marami siyang responsibilities. Dito, mas easygoing lang and charming."

What else does he expect from the show na muli nilang pagtatambalan ng kanyang girlfriend na si Janine Gutierrez?

"I'm just always game to learn something new. I have a feeling na sobrang dami kong matututunan dito sa show na ito, starting with my director, Direk Andoy Ranay. I think mas magkakakilala din kami ni Janine dito."

Catch Elmo Magalona as Hiro in More Than Words, this November on GMA Telebabad.