TV

WATCH: Dennis Trillo, bakit kabado sa paghahanda sa biggest Kapuso telefantasya series na 'Mulawin VS Ravena?'

By AEDRIANNE ACAR

Ilang tulog na lang at makakapiling na ng mga Kapuso sa Amerika ang mga pinakasikat na bituin sa GMA 7 sa bigating show na Sikat Ka Kapuso na gaganapin sa Long Beach, California sa January 22.

Dito makakasama ang mga Kapuso prized talents tulad nina Alden Richards, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Tom Rodriguez at Betong Sumaya.

Ayon sa panayam ni GMA showbiz reporter Lhar Santiago kay Dennis Trillo sa 24 Oras, matapos ang pagtatanghal na ito ay lilipad naman ang Kapuso hunk sa Europe para sa isang short vacation.

Aniya, “Na-plano po ‘yun ng matagal na so pagkabalik namin bago mag-start ‘yung magtrabaho mayroon nga kaming short vacation.”

Nagbigay rin ng ilang detalye ang aktor sa preparation niya para sa big Kapuso telefantasya series na Mulawin vs. Ravena.


Saad ni Dennis, todo na ang pagwo-workout niya para maging physically ready para sa show na ito.

“Kinakabahan ako at nae-excite at the same time. As early as now sinisimulan ko na rin ‘yung preparation. Nagwo-workout dahil siyempre marami diyang mga fight scenes tapos naka-costume para mas maganda lang ‘yung itsura. Kailangan habang maaga preparado na.”

Video courtesy of GMA News

MORE ON 'MULAWIN':

LOOK: Hottest Telefantasya Hunks 

Miguel Tanfelix, gaganap muli bilang Pagaspas ng 'Mulawin' matapos ang 12 years

Alden Richards, sasamahan si Miguel Tanfelix sa 'Encantadia' bilang 'Mulawin'