WATCH: Heart Evangelista and Lovi Poe's harness training for 'Mulawin VS Ravena'
Bilang preparasyon sa napipintong paglipad ng Mulawin VS Ravena ngayong 2017, sumasabak na ngayon sa matitinding physical trainings ang cast tulad nina Kapuso actresses Heart Evangelista at Lovi Poe.
Sa Instagram, nagbahagi ng kanilang videos ang dalawang aktres na kuha sa kanilang harness training para sa Kapuso telefantasya.
Bukod sa pasilip, nagpasalamat din si Heart dahil pinili siyang gumanap sa iconic role na si Alwina.
"Work hard. Be kind. That's all you need to do. At the end of the day you did your best! Thank you for giving me this chance to play #Alwina and also ecstatic to start my new teleserye soon," saad niya.
Samantala, ito naman ang first taping day ni Lovi na gaganap sa role ni Magindara, ang goddess of the sea.
MORE ON 'MULAWIN VS RAVENA':