TV

EXCLUSIVE: Bakit muntik nang hindi tanggapin ni Angelu de Leon ang 'Mulawin VS Ravena'?

By AL KENDRICK NOGUERA

Muling nagbabalik sa telebisyon si Kapuso actress Angelu de Leon matapos ang anim na buwang pamamahinga sa showbiz dulot ng pagkakaroon ng sakit na Bell's Palsy.

WATCH: Angelu de Leon, ipinakita ang epekto ng Bell's Palsy sa kanyang mukha

Kuwento ni Angelu, November noong nakaraang taon nang magkaroon siya ng kanyang ikalawang attack ng sakit ito. Aniya, "When I had it, a month after, I got a call from GMA about Mulawin VS Ravena. I was hesitant at first because I wasn't totally healed then but by faith I said yes so maganda naman 'yung kinalabasan."

Sobrang nagpapasalamat daw si Angelu sa GMA dahil hindi siya pinababayaan ng TV network. "I'm still in the process of healing. I still do my therapy regularly and very fortunate lang ako na in spite of that talagang timing din na nangyari 'tong Mulawin VS Ravena," saad niya.

"I want to say I am [100 percent healed]," sagot ng aktres nang kumustahin ang kanyang lagay. Dagdag pa niya, "May kaunting difference sa face ko. But sabi nga ng doctor, it's very minimal that no one could really notice."

 

 

Ayon pa kay Angelu, wala naman daw ipinagbabawal sa kanya ang kanyang doktor. "I just have to make sure that I am in good shape, to be more careful what I eat and mag-vitamins," paliwanag niya.

Sa huli, nagpaabot si Angelu ng kanyang mensahe sa lahat ng mga nagdasal para sa kanyang paggaling lalo na sa netizens. "I'm very thankful kasi their prayers worked. I want to tell them because it really helped me a lot," pagtatapos ng gumaganap na Lourdes sa higanteng telefantasya.