TV

EXCLUSIVE: Former love team Angelu de Leon and Bobby Andrews, kinikilig sa BiGuel sa 'Mulawin VS Ravena'

By AL KENDRICK NOGUERA

 

 

Isa sa pinakasikat na love teams noong '90s ang tambalang Angelu de Leon at Bobby Andrews na kilala bilang sina Peachy at Wacks sa weekend GMA teen-oriented show na T.G.I.S noon.

Ngayong mga batikang aktor na sina Angelu at Bobby at kabilang sila sa cast ng higanteng telefantasya na Mulawin VS Ravena, inamin ng dating love team na kinikilig sila sa tambalang Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

"Ako kinikilig ako sa kanila kapag nakikita ko sila sa set," natutuwang bahagi ni Angelu.

Kuwento ni Angelu, nakikita niya sa BiGuel ang kanilang tambalan ni Bobby noon. Aniya, "Naaliw ako kasi para silang katulad namin. They are friends more than a love team, which is happy. Natutuwa ako kasi they respect each other's privacy. They respect each other personally."

Dagdag ni Angelu, "Natutuwa ako tapos kinikilig ako kapag nag-uusap silang dalawa."

Samantala, nakikita raw ni Bobby ang pagiging natural ng BiGuel. "It's not kasi that they forced themselves to be a love team. It's natural. It just grows and it just comes out," paliwanag niya.