TV

MUST-READ: Mikee Quintos a.k.a Lira, kinumpirmang magiging parte ng 'Mulawin VS Ravena'

By Al Kendrick Noguera

Hindi lang isa kung 'di dalawang Encantadia characters ang papasok sa Mulawin VS Ravena

Matapos ang official announcement ng pagiging kabilang ni Glaiza de Castro sa higanteng telefantasya, kinumpirma na rin ni Mikee Quintos na magiging parte na rin siya ng Mulawin VS Ravena.

MUST-READ: Netizens, excited sa pagpasok ni Glaiza de Castro sa 'Mulawin VS Ravena'

"Miss niyo na din ba si Sang'gre Lira? Abangan. #MulawinVSRavena," saad ni Mikee sa kanyang Instagram post.


Umani ang nasabing post ng excitement at positive feedback ng netizens. Narito ang ilan sa kanilang comments.

 

 

Abangan ang pagdating ni Lira sa susunod na episodes ng Mulawin VS Ravena, weeknights pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.