TV

'The original Sang'gres are back!' - Direk Mark Reyes V

By Al Kendrick Noguera

Hindi lang ang Encantadiks ang masaya dahil mapapanood muli ang iconic characters nina Sang'gre Pirena at Lira sa telebisyon kung 'di pati na rin ang direktor ng Encantadia na si Mark Reyes V.

Matapos ipakita sa teaser ng Mulawin VS Ravena ang role ni Glaiza de Castro na si Pirena at ang pagkalat ng behind-the-scenes photos nila ni Mikee Quintos sa higanteng telefantasya, ibinahagi ni Direk Mark ang kanyang excitement sa Instagram.

LOOK: Glaiza de Castro and Mikee Quintos' behind-the-scenes photos on the set of 'Mulawin VS Ravena'

 

Photo by: direkmark (IG)

"The Original Sanggres are back," saad ng Kapuso director.

Samantala, nag-post din si Glaiza ng kanilang litrato ni Mikee sa taping ng Mulawin VS Ravena.


"Once a Sang'gre, always a Sang'gre," bahagi ng aktres.

Abangan sina Pirena at Lira sa Mulawin VS Ravena, weeknights pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.