TV

READ: Wyn Marquez, nagpaalam na sa kanyang 'Mulawin VS Ravena' role

By Al Kendrick Noguera

Naganap na ang huling lipad ni Ribay sa Mulawin VS Ravena kaya naman nagpaalam na rin ang gumaganap dito na si Kapuso actress Wyn Marquez. Sa kanyang Instagram, nag-iwan siya ng mensahe para sa kanyang character pati na rin sa mga katrabaho niya sa higanteng telefantasya.


"Paalam, Ribay. Maraming salamat sa lahat ng bumubo [sic] ng Mulawin VS Ravena! Mamimiss ko po kayong lahat. Mga Mulawin at mga Ravena, magkikita pa tayo ulit and I'll try my best to soar high," saad ni Wyn.

Ngayong wala na siya sa Kapuso teleserye, naka-focus na si Wyn sa pagsungkit ng Miss World Philippines 2017 crown. Hindi niya rin nalimutang imbitahan ang kanyang Mulawin VS Ravena co-stars na suportahan siya sa nasabing beauty pageant.

LOOK: Wyn Marquez, finalist sa talent competition ng Miss World PH 2017

"Lumipad kayo papuntang MOA Arena ah! @bianxumali @v_concepcion @migueltanfelix_ @chynsortaleza @beabinene, etc.," ani Wyn.