TV

Samahan sina Alden, Louise, and Lauren sa kanilang live chat on June 27!


Maki-bonding with Alden Richards, Louise delos Reyes, and Lauren Young, lead stars of the hit Telebabad series Mundo Mo'y Akin, as they chat with their fans through GMANetwork.com Live Chat on Thursday, June 27, 2013, from 2:00 p.m. to 4:00 p.m. (Philippine time).

Alam na ng mga Carbonell na si Marilyn ang tunay na anak nina Ziggy at Giselle kaya naman sinisimulan na nilang mag-reach out sa dalaga. Ngunit bigo sina Ziggy at Charito dahil lalong lalayo ang loob ni Marilyn sa kanila. Kailan kaya matatanggap ni Marilyn ang totoo niyang pagkatao?

Samantala, hindi pa rin magawang mapatawad ni Marilyn si Jerome kahit ano pa ang gawin ng lalake. Naisipan pa nga ni Jerome na isanla ang kanyang motor para mabayaran ang hospital bills ni Perlita dahil nalaman niyang wala ng pambayad si Marilyn. Ito na kaya ang magpapalambot ng puso ni Marilyn?

Ipipilit pa rin ni Darlene ang sarili kay Jerome kahit alam niyang si Marilyn na ang mahal ng dating kasintahan. At dahil hindi siya ang tunay na apo ni Charito, unti-unti na rin siyang aapi-apihin ng kanyang kinikilalang lola. Mawawalan kaya siya ng karapatan bilang isang Carbonell?

Alamin kung ano pa ang mga kaganapang dapat abangan sa Mundo Mo'y Akin mula mismo kina Alden, Louise, and Lauren on Thursday, June 27, 2013, from 2:00 p.m. to 4:00 p.m. Log on to GMANetwork.com/livechat to be part of this exclusive event.