TV

What love means in ‘My BFF’

By EUNICIA MEDIODIA



Ipinapakita ng pamilya nina Lyn, Christian, Rachel at Chelsea ang tunay na kahalugan ng pagmamahal linggo-linggo sa ‘MY BFF’.

Alamin sa tulong ng kanilang pamilya kung ano nga ba ang tunay na pagmamahal.

Love is sacrifice

Nagkahiwalay sina Lyn at Christian nang mamatay si Chelsea. Kahit ganoon pa man, ‘di tumitigil si Christian na suyuin si Lyn. Ilang beses na siyang ‘di pinansin at ‘di pinatawad ni Lyn ngunit nandoon pa rin si Christian para kay Lyn.

Nang magkaroon ng event si Lyn, namroblema sila sa mascot. Hindi pwede matuloy ang event ng wala ito. Kaya ng dumating ang mascot, tuwang tuwa sila. Nang bigla na lang hinimatay ang taong nasa loob ng mascot, laking gulat ni Lyn na si Christian ang taong nasa loob nito.

Love is forgiveness

Dahil sa nangyari, ramdam na ramdam ni Lyn ang sincerity ni Christian.  Lumambot ang puso niya at pinatawad din ito. Kinalimutan na rin nila ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Nagbunga na rin ang pagpupursige ni Christian sa walang sawa niyang pagpapakita kung gaano ka-importante sa kanya si Lyn at kung gaano niya ito kamahal. Ito na ba ang bago nilang simula? Forever na bang maging happy ang kanilang family?

Love is forever

Kahit ano’ng mangyari, hindi nawawala ang love. Kahit nasaktan ka man ng taong mahal mo, hindi pa rin tumitigil ang puso magmahal. Katulad sa sitwasyon nina Lyn at Christian. Matagal man silang nagkalayo at naghiwalay pero in the end sila pa rin ang para sa isa’t isa.

Mahal pa rin ni Lyn si Christian despite of all his shortcomings. At si Christian, hindi kailan man nawala ang pagmamahal niya sa kanyang asawa at pamilya, kahit pa nalayo siya sa mga ito.

Love is family

Importante kina Christian at Lyn ang kanilang dalawang anak na sina Chelsea at Rachel. Nawala man si Chelsea sa mundo, ‘di pa rin nila ito inilagay sa limot. Naging masakit man ang pagkawala ng isang family member na sobra nating mahal, ngunit mawala man sila, forever silang mananatili sa ating puso.

Dahil kay Rachel, isinantabi nina Christian at Lyn ang kanilang personal issues. Pwede pa rin dumalaw si Christian kay Rachel at gampanan ang kanyang pagiging ama kahit nagkahiwalay na sila.

Malaman kaya nila na binabantayan din ni Chelsea ang kanyang mahal na kapatid na si Rachel?