TV

Carla Abellana gets deglamorized in 'My Destiny'

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Kung ang role ni Rhian Ramos sa My Destiny ay malapit sa kanyang totoong personality, total opposite naman daw ito sa case ni Carla Abellana.

"Mas deglamorized, mas raw, mas casual, mas kenkoy, mas matapang. 'Yung itsura, 'yung lakas ng dating, 'yung pananalita, iba," ganyan inilarawan ni Carla ang character niyang si Grace dela Rosa.

Dagdag pa niya, "Brusko si Grace, may pagka-tomboyish siya. Hindi siya glamorous eh. Kung tutuusin napakasimpleng tao lang niya. 'Yung sister niya 'yung medyo fashionista, 'yun 'yung nag-aayos sa kanya."

Malayong malayo daw ito sa totoong Carla hindi lamang sa itsura, kundi pati na rin sa pananaw sa buhay.

"Isa pang difference is, si Grace, hindi siya sigurado sa buhay. Hindi siya sigurado kung ano ang gusto niya, kung ano ang dapat for her, kung ano ang kailangan niya. Hinahanap pa niya 'yung niche niya, 'yung path for her, kung saan siya magaling. Isang malaking question mark pa para sa kanya. Unlike si Carla na sigurado siya kung ano ang dapat para sa kanya, what she deserves, kung ano ang gusto niya. Tapos kung ano ang gusto ni Carla, gagawin niya lahat para makuha 'yun."

This is also not the first time she was given this type of role, but she made sure that Grace will be an entirely different character.

"May mga vulnerabilities na huhubarin, sa outfit at sa overall look. Sa personality ng character, may mga tatanggalin. Hopefully, along the way, pupunuan ko ng mga sagot, parang ganun. Familiar na sa akin ang role, so ang ginawa na lang namin is naghanap kami ng certain aspects to the role na puwede naming ibahin."

?Patuloy na abangan si Carla Abellana bilang Grace sa My Destiny, weeknights after Niño, sa GMA Telebabad.?