TV

Bakit pinagtatagpo pa rin kami ni Grace? - Matthew



"Ask your love question and let the stones guide you."

'Yan ang nakita kong nakasulat sa bato sa resort na pinuntahan namin ni Janine. ?Kasal daw kasi ng kaibigan niya, at since umatras ang date niya, ako ang kanyang niyaya. Napilitan na rin akong samahan siya dahil ito na ang pagkakataon para makapag-isip ako at tuluyang makalimutan si Grace.

Pero tila pinaglalaruan ako ng tadhana. On our way to Tagaytay, tumigil ako sa pag-drive dahil may nakitang rainbow si Janine at gusto daw niyang mag-selfie. Pinagbigyan ko naman siya, kaso sa pagbaba namin ng kotse ay nandoon din pala si Grace. Tumigil din sila dahil sa rainbow. Nagkatingninan kami, pero hindi na nakapag-usap dahil hinatak na ako ni Janine.

Pero ang mas lalo kong hindi inasahan ay ang muli na namang pagtatagpo namin ni Grace sa resort. Isa siya sa mga OJT na kasama ng kitchen staff ng resort. Nalaman ko rin na siya ang naglagay ng dumi sa damit ko dahil naiwan niya ang kanyang payong sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yun, pero lalong lumaki ang atraso niya sa akin.

Kahit naiinis ako sa ginawa niya, at sa mga nagawa niya in the past, part of me still longs for her. Siguro ito na ang chance para makapag-usap kami at maayos ang kung ano mang misunderstanding ang mayroon kami dati. Sana lang ay pagbigyan ako ni Grace, dahil mukhang papahirapan niya akong makalapit sa kanya.

?Ganito ba talaga kahirap ang pagdadaanan ko kung si Grace nga ang aking destiny??