TV

Tell the truth and learn from your mistakes - lessons from 'My Destiny'

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Sa nalalapit na pagtatapos ng primetime series na My Destiny, tinanong namin ang apat sa cast members nito na sina Carla Abellana, Tom Rodriguez, Lorna Tolentino at Al Tantay kung ano sa tingin nila ang napulot na aral ng viewers sa kanilang teleserye.

"Kailangan kasi magsabi ka ng totoo eh. Kapag ang information na binibigay mo sa kapwa mo ay hindi totoo, ang babalik sa 'yo na reaction hindi rin totoo, so lalala nang lalala. Ganun 'yung nangyari eh," pagsisimula ni Al, who plays Arnold, Grace and Joy's father.

Dagdag naman ni LT, na gumaganap bilang si Agnes, ang ina ng magkapatid, "Kahit gaano kasakit, sabihin na ang totoo. The earlier, the better."

Ito naman ang naging paliwanag ni Tom, who plays Matthew.

"The more you keep secrets, the more complicated things get. Parang naghukay ka ng sarili mong grave. It's a very nice lesson actually for the viewers to pick up kasi nakita nila kung ano ang posibleng mangyari if they keep up with that line of thinking. Kahit maganda ang intention mo, pero kung isisikreto mo pa rin, kasi minsan sinasabi natin na white lies will be okay, iba ang isusukling reaction kapag hindi niya alam ang totoo."

Dinugtungan naman ito agad ni Carla, who plays the role of Grace. "Kasi may mga families na ganun in real life na they keep secrets from each other kasi natatakot sila baka masaktan. Mas tumatagal nang tumatagal, hinihintay pa nila kung kailan too late na para sabihin ang totoo. Sana umpisa pa lang, ginawa na nila."

Pero hindi lamang ang pagsasabi ng totoo ang maaaring nakuha ng audience sa My Destiny. According to Tom, it's learning and moving on from your mistakes.

"Kasi kung nalagpasan mo na ang isang hadlang pero kung inuulit-ulit mo lang din, mahirap din 'yun. So in real life, ganun din. If nalampasan niyo na, you learn from it and move on. At least the viewers can pick that up, makita nila na dapat huwag ulit-ulitin kasi paulit-ulit din ang conflict."

"Parang abogado 'di ba? Kapag may kaso ka, sabihin mo sa akin ang totoo para alam ko kung paano kita ipagtatanggol," patawang dugtong ni Al.

Huwag palampasin ang huling tatlong gabi ng My Destiny, pagkatapos ng Strawberry Lane, sa GMA Telebabad.