GMA Logo My Guardian Alien Title card and My Guardian Alien poster
What's on TV

World premiere ng 'My Guardian Alien,' umani ng papuri mula sa netizens

By Dianne Mariano
Published April 3, 2024 5:11 PM PHT
Updated April 3, 2024 5:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 17, 2025
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

My Guardian Alien Title card and My Guardian Alien poster


Bukod sa papuri mula sa netizens, nakakuha pa ng mataas na ratings ang pilot episode ng 'My Guardian Alien.'

Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood sa pinakabagong primetime series ng GMA, ang My Guardian Alien, na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.

Matatandaan na ipinalabas noong April 1 ang pilot episode ng naturang programa at nakakuha pa ito ng mataas na ratings. Nakapagtala ang world premiere ng My Guardian Alien ng 11.1 percent, ayon sa NUTAM People Ratings.

Bukod dito, umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang unang episode ng serye sa social media. Pinuri ng viewers ang mahusay na pag-arte ng cast sa kanilang roles at ang magandang istorya ng serye.

Namangha rin ang mga manonood sa ganda ng cinematography ng My Guardian Alien.

Bukod kina Marian, Gabby, at Max, kabilang din sa My Guardian Alien cast sina Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Kiray Celis, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Caitlyn Stave, Josh Ford, Sean Lucas, Tart Carlos, Christian Antolin, Kirst Viray kasama si Marissa Delgado.

Subaybayan ang My Guardian Alien tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream.

Maaari ring mapanood ang programa sa GTV sa oras na 10:30 p.m.