GMA Logo marian rivera
PHOTO COURTESY: GMA Network (YouTube)
What's on TV

Makikilala na ng lahat si Grace sa 'My Guardian Alien!'

By Dianne Mariano
Published May 2, 2024 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

marian rivera


Mainit kaya ang magiging pagtanggap ng lahat kay Grace?

Talagang kaabang-abang ang mga susunod na mangyayari sa family series na My Guardian Alien, na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.

Ngayong Huwebes (May 2), ang mga magsu-surprise ay ang mas magugulat sa kanilang makikita dahil makikilala na nila si Grace (Marian Rivera), na nasa anyo ng yumaong asawa ni Carlos (Gabby Concepcion) na si Katherine.

Magiging mainit kaya ang kanilang pagtanggap kay Grace?

Samantala, determinado si Ceph (Gabby Eigenmann) na hulihin sina Carlos at Doy (Raphael Landicho) na kasama ang alien.

Mahuhuli na kaya ni Ceph si Grace?

Alamin 'yan mamaya sa My Guardian Alien, 8:50 p.m., sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mapapanood din ang programa sa oras na 10:30 p.m. sa GTV.

KILALANIN ANG CAST NG MY GUARDIAN ALIEN SA GALLERY NA ITO.