GMA Logo Marian Rivera, Max Collins
What's on TV

Pag-resbak ni Grace sa 'My Guardian Alien,' umani ng 4.3M views, kinaaliwan ng netizens

By Dianne Mariano
Published May 29, 2024 10:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Louvre museum installs security bars on balcony used in October's heist
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera, Max Collins


Nang dahil sa galit, ipinakita ni Grace (Marian Rivera) kay Venus (Max Collins) ang tinuro sa kanya ni Marites (Kiray Celis).

Hindi lamang sa telebisyon inaabangan ng mga manonood ang mga tagpo sa family series na My Guardian Alien, kundi maging sa social media.

Katunayan, umani ng mahigit four million views ang eksena nina Grace (Marian Rivera) at Venus (Max Collins) sa 40th episode ng naturang serye, kung saan agad na pumunta ang una sa kwarto ng huli dahil kasama nito si Carlos (Gabby Concepcion), sa Facebook page ng GMA Network.

Sinampal ni Grace si Venus at ipinakita pa ng una ang itinuro sa kanya ni Marites (Kiray Celis) dahil sa mga masasamang ginagawa ng huli para magkasira sila ni Carlos.

Bukod sa milyon-milyong views, umani rin ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang naturang eksena.

“Ganiyan dapat [gagawin] sa mga ahas,” comment ng isang Facebook user.

Ani naman ng isang netizen, “'Wag niyo [kasi] gagalitin ang alien.”

Bukod dito, umani ng mahigit one million views ang isang clip ng My Guardian Alien, kung saan ipinakita ang mga susunod pang pasabog sa buhay ni Grace.

Subaybayan ang My Guardian Alien, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream.

Maaari ring mapanood ang serye sa oras na 10:30 p.m. sa GTV.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG MY GUARDIAN ALIEN SA GALLERY NA ITO.