advertisement
TV

Meet the stellar cast of 'My Guardian Alien'

1 of 13

Marian Rivera as Katherine and Grace

Makikilala si Marian Rivera bilang ang mapagmahal na nanay na si Katherine at ang alien na si Grace.

Nang aksidenteng bumagsak ang isang alien pod sa mausoleum, kung saan nakahimlay si Katherine, magta-transform ang life force at gagayahin ang itsura ng huli.

2 of 13

Gabby Concepcion as Carlos

Gaganap ang batikang aktor na si Gabby Concepcion bilang Carlos Soriano, isang mapagmahal na ama at asawa kay Katherine. Labis ang sakit na mararamdaman ni Carlos dahil sa hindi inaasahang pagkamatay ni Katherine.

Magugulat at malilito naman si Carlos nang biglang magpakita ang isang “taong” kamukhang-kamukha ng kanyang yumaong asawa.

3 of 13

Max Collins as Venus

Gagampanan ni Kapuso actress Max Collins ang karakter bilang si Venus, ang maganda, matalino, at ambitious business partner ng pamilya Soriano. Mayroon siyang pagtingin kay Carlos at umaasang magkakaroon siya ng chance sa huli dahil sa pagkamatay ni Katherine.

advertisement
4 of 13

Gabby Eigenmann as Dr. Ceph 

Bibigyang-buhay ni Gabby Eigenmann ang role bilang si Dr. Ceph, isang psychiatrist at malapit na kaibigan ni Carlos. Siya ang tutulong sa mag-amang Carlos at Doy matapos ang hindi inaasahang pagkamatay ni Katherine.

5 of 13

Raphael Landicho as Doy 

Ang Sparkle child star na si Raphael Landicho ang gaganap bilang si Doy, ang nag-iisang anak nina Katherine at Carlos. Malapit si Doy sa kanyang mga magulang kung kaya't labis ang sakit na nararamdaman nito nang mamatay ang kanyang ina.

6 of 13

Kiray Celis as Marites

Mapapanood ang Kapuso actress-comedienne na si Kiray Celis bilang Marites, ang mayordoma ng Soriano household. Siya ay maasikaso, palabiro, at certified "marites" sa anumang usapan.

advertisement
7 of 13

Arnold Reyes as Minggoy

Makikilala si Arnold Reyes bilang Minggoy, ang tiyuhin ni Aries at nagsasaka rin sa lupain ng pamilya Soriano. May kinalaman si Minggoy sa pagkamatay ni Katherine.

8 of 13

Caitlyn Stave as Halley

Ang Kapuso actress na si Caitlyn Stave ay makikilala bilang Halley, ang nakababatang kapatid ni Venus. Kumukuha siya ng kursong film at magkakaroon siya ng interes na gumawa ng documentary tungkol sa mga misteryosong “ilaw” na nakita nila isang gabi.

9 of 13

Josh Ford as Aries

Gaganap ang Sparkle Teen na si Josh Ford bilang si Aries, ang trabahador sa farm ng pamilya Soriano. Tahimik man si Aries, magiging kaibigan niya ang total opposite na si Halley.

advertisement
10 of 13

Sean Lucas as Kevin

Makikilala si Sean Lucas bilang si Kevin, ang executive assistant ni Venus.

11 of 13

Christian Antolin as Sputnik

Ang content creator na si Christian Antolin ay makikilala bilang si Sputnik, ang katiwala ng pamilya Soriano sa kanilang farm.

12 of 13

Marissa Delgado as Nova

Bibigyang-buhay ng beteranang aktres na si Marissa Delgado ang ina ni Carlos na si Nova. Malambing na lola si Nova sa kanyang apo na si Doy ngunit kabaligtaran ang trato niya sa daughter-in-law na si Katherine.

advertisement
13 of 13

Weeknights

Huwag palampasin ang My Guardian Alien tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA simula April 1.