TV

EXCLUSIVE: Julie Anne San Jose, nakikita ang sariling ina sa karakter ni Sheryl Cruz sa 'My Guitar Princess'

By Aedrianne Acar

Madaling nakapalagayan ng loob ng Asia's Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose ang former '80s star na si Ms. Sheryl Cruz. Ang mas nakatatandang aktres ang gaganap na ina ni Julie Anne sa higly-anticipated na Kapuso soap na My Guitar Princess.

LOOK: Julie Anne San Jose gears up for 'My Guitar Princess

Hindi ito ang unang pagkakataon na magkaka-trabaho ang dalawa dahil nagkasama na sila noon sa afternoon series na Buena Familia.

Sa exclusive interview ni Julie Anne San Jose sa GMANetwork.com, may pagkakapareho daw ang karakter ni Ms. Sheryl sa soap sa sarili niyang ina na si Mrs. Marivic San Jose.

Kuwento niya, “Kasi ‘yung turingan namin dito ni Ms. Sheryl [Cruz] para kaming mag-barkada and ‘yun din naman ‘yung nakikita ko din sa mom ko. Kasi para ko din siyang sister, best friend, mom, advisor lahat-lahat na.”

Para naman sa isa sa mga cast ng My Guitar Princess na si Jazz Ocampo, marami daw matutunan ang kanilang mga viewers sa kanilang show. Isa na dito ang pagpapahalaga sa sariling pamilya na sisikapin daw nilang ipakita sa soap.

Aniya, “I’m really glad na nagkakaroon pa rin tayo ng ganitong show siyempre sa generation ngayon medyo iba na ‘yung mga focus. So, maganda may ganitong show uli na ilalabas na pinapakita ‘yung parang core is the family talaga. Parang you may have friends, pero at the end of the day ‘yung mga taong hindi ka iiwan, ‘yun ‘yung pamilya mo, so you have to treasure that. Sana ‘yun ‘yung mapakita namin sa show.”