GMA Logo
What's on TV

Pagbabalik ng 'My Husband's Lover,' tinutukan online!

By Cara Emmeline Garcia
Published March 24, 2020 12:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Momo resigns as member of 2026 nat'l budget bicam
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'
Mall of Asia opens football park to boost the sport's popularity in PH

Article Inside Page


Showbiz News



Trending ang pagbabalik ng 'My Husband's Lover' sa GMA Telebabad.

Tinutukan online at naging trending topic pa ang pagbabalik ng groundbreaking GMA Telebabad drama na My Husband's Lover sa telebisyon kahapon.

Sa katunayan, umabot sa Top #4 trending topic ng Philippine Twitter ang hashtag “#MyHusbandsLover” na sinundan pa ng pangalan ng karakter ni Carla Abellana na si “Lally.”

Kaya naman ang fans ng love story nina Lally, Vincent (Tom Rodriguez), at Eric (Dennis Trillo), inabangan ng ilang Kapuso fans.

Samantalang ang iba ikinuwento kung paano nakatulong ang show na aminin sa kanilang sarili na, “Love is love.”

Kabilang ang My Husband's Lover sa lineup ng GMA Telebabad habang pansamantalang naka suspendido ang production ng entertainment shows dahil nasa enhanced community quarantine ang buong Luzon.

Kung nami-miss niyo naman ang iyong favorite Kapuso shows tulad ng Love of My Life, mapapanood ang aired episodes nito sa GMANetwork.com o sa GMA Network app.

Carla Abellana at Tom Rodrigues, excited na sa re-airing ng 'My Husband's Lover'

GMA-7 to re-air 'Encantadia,' 'My Husband's Lover,' and other award-winning shows