TV

7 most-watched episodes of 'My Husband's Lover'

By Cara Emmeline Garcia

Marami ang napamahal sa relasyon na naganap kina Lally-Vincent-Eric sa My Husband's Lover.

Sa kabuuan ng 50 episodes, mayroong mga eksenang tumatak sa isipan ng mga manonood kaya naman napabilang ang My Husband's Lover sa isa sa groundbreaking teleseryes ng GMA.

Ating balikan ang most-viewed episodes dito:

Episode 1


Sa ika-1 episode na ito nakilala natin si Lally at ang kanyang relasyon at pagmamahal sa kanyang asawa na si Vincent. Dito rin natin natuklasan ang sikreto na itinatago ni Vincent kay Lally.

Episode 2

Sa ika-2 episode nakilala natin si Eric del Mundo and high school classmate at basketball buddy ni Vincent. Siya rin ang kino-consider ni Vincent bilang ang kanyang first love. Episode 14


Marami ang na broken hearted nang makita ni Lally sina Vincent at Eric na magkasama sa iisang kuwarto. Ani ng isang netizen sa comments section, "Ang sakit pa rin!"

Episode 50


Bawat istorya ay may ending. Dito, nakamit ni Vincent, Eric, at Lally ang kani-kaniyang happily ever after. Napanood din natin kung paano naka-move on si Lally sa kanyang bagong love interest na si Sam.

Episode 4

Sa episode 4, nabuo ang pagmamahalan nina Vincent at Lally dahil nagbunga ito ng kanilang anak na si Hannah. Episode 15


Sino'ng makakalimot sa episode na nag breakdown si Lally dahil kina Vincent at Eric.

Episode 49


Sa episode 49, nakahanap ng closure si Lally sa namagitang relasyon kina Vincent at Eric. Dito nagpapakita ang kakaibang pagmamahal at respeto ni Lally para sa kanyang asawa.

Patuloy na panoorin ang My Husband's Lover sa GMA Telebabad.

Kung may na-miss kayong episode o mga palabas na gusto niyong balikan, maari niyong panoorin ang mga ito sa official website ng GMA Network o ng GMA Network app.