TV

Eric and Vincent's painful closure | 'My Husband's Lover' Episode 37

By Cara Emmeline Garcia

Pansamantalang umeere ang rerun episodes ng groundbreaking series na My Husband's Lover sa GMA Telebabad.

Sa May 21 episode nito, hindi man madali para sa kanila ay muling nagkita sina Vincent (Tom Rodriguez) at Eric (Dennis Trillo) upang tuluyan nang tuldukan ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Hindi rin diyan natatapos ang kuwento dahil sa kanilang tahanan, nakiusap si Lally (Carla Abellana) kay Vincent na isiwalat na ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya.

Magawa kaya ito ni Vincent? Panoorin:

Huwag palampasin ang mas tumitinding episodes ng My Husband's Lover sa GMA Telebabad.

Kung may gusto kayong balikan na episode, maari niyo rin panoorin ito sa official website ng GMA Network o sa GMA Network app.