TV

Eric's first date with Martin | 'My Husband's Lover' Ep. 45

By Cara Emmeline Garcia

Pansamantalang umeere ang rerun episodes ng groundbreaking series na My Husband's Lover sa GMA Telebabad.

Sa June 6 episode nito, napanood ang pagpaparamdam ni Martin (Rodjun Cruz) kay Eric (Dennis Trillo) ng tunay na pagmamahal na nararapat para rito kaya inanyaya niya sa isang date ito.

Subalit, ang dapat perfect na first date para sa dalawa ay nauwi sa bugbugan nang makita ni Vincent (Tom Rodriguez) na may kasamang ibang lalaki si Eric.

Samantala, halos gumuho ang mundo ni Lally (Carla Abellana) matapos siyang pakiusapan ni Vincent na maghiwalay na silang tuluyan.

Hindi kinaya ni Lally ang bigat ng problemang ito kaya nagpasama siya kay Vicky (Bettinna Carlos) na uminom at lumabas pansamantala para makalimutan ang mga ito.

Mapapanood ang My Husband's Lover tuwing Linggo, 11:15 pm, pagkatapos ng The Boobay and Tekla Show.

Kung may gusto kayong balikan na episode, maari niyo rin panoorin ito sa official website ng GMA Network o ng GMA Network app