TV

Vincent gets kidnapped | 'My Husband's Lover' Recap

By Cara Emmeline Garcia

Pansamantalang umeere ang rerun episodes ng groundbreaking series na My Husband's Lover sa GMA.

Para sa kanilang mga anak, paninindigan nina Lally (Carla Abellana) at Vincent (Tom Rodriguez) ang pagpapanggap na maayos ang kanilang relasyon upang hindi masaktan ang mga ito.

Pero paano kaya si Eric? Matanggap kaya nito ang pakiusap ni Lally na paghatian si Vincent?

Samantala, hindi pa rin matanggap ni Armando (Roi Vinzon) ang pagkatao ni Vincent kaya naman may inihandang plano ito upang matuwid ang anak.

Ano ito? Panoorin:

Patuloy na panoorin ang My Husband's Lover tuwing Linggo, 11:15 pm, pagkatapos ng The Boobay at Tekla Show.

Huwag palampasin ang aired episodes nito na mapapanood sa official website ng GMA Network o sa GMA Network app.