TV

Eric, isang kabit ulit? | 'My Husband's Lover' Recap

By Cara Emmeline Garcia

Pansamantalang umeere ang rerun episodes ng groundbreaking series na My Husband's Lover sa GMA.

Natuklasan na ni Lally (Carla Abellana) ang pagbabalikan nina Vincent (Tom Rodriguez) at Eric (Dennis Trillo) kaya naman pipilitin niyang ipaglaban ang kanyang karapatan bilang legal na asawa nito.

Dahil sa patuloy na hindi pag-uwi ni Vincent sa bahay, hindi na mapigilan ng kanyang mga anak na tanungin kung ano ang tunay na rason sa paglayo ng kanilang ama.

Napilitan si Vincent na aminin ang komplikadong relasyon niya kay Lally kaya lubos na nadurog ang puso ng kanyang mga anak.

Tuluyan na kayang mawasak ang kanilang pamilya?

Samantala, haharapin na naman ni Eric ang kanyang buhay bilang kabit ni Vincent. Pero sa pagkakataong ito, ano kaya ang kahihinatnan ng kanilang relasyon?

Patuloy na panoorin ang My Husband's Lover tuwing Linggo, 11:15 pm, pagkatapos ng The Boobay and Tekla Show.

Huwag palampasin ang aired episodes nito na mapapanood sa official website ng GMA Network o sa GMA Network app.