TV

Lally lets Vincent go | 'My Husband's Lover' Recap

By Cara Emmeline Garcia

Pansamantalang umeere ang rerun episodes ng groundbreaking series na My Husband's Lover sa GMA.

Dahil hindi na kaya ni Elaine (Kuh Ledesma) na makasama si Armando (Roi Vinzon), hihiwalayan na niya ito dahil sa sapilitang pagtuwid nito sa pagkatao ni Vincent (Tom Rodriguez).

Saad niya kay Armando, “Sa tagal kong ginawa maging perfect wife, nakalimutan ko paano maging mabuting ina.

“Paano kong hindi masisisi ang sarili ko? Can't you see, Armando? I'm as much to blame as you are!

“My goodness, Armando. I don't want a dead son. I want my son alive, kahit gay pa siya, alive!”

Hindi pa doon natatapos ang sunud-sunod na karma ni Armando.

Nang papunta na siya sa hospital para dalawin si VIncent, inaresto siya sa daan dahil sa pagtatangka niya sa buhay ni Paul (Pancho Magno).

Pero sapat na kaya itong kabayaran sa kasamaan niya? Alamin:

Samantala, napuno ng saya sina Eric (Dennis Trillo) at Lally (Carla Abellana) matapos makita ang unti-unting pagbuti ng kondisyon ni Vincent.

Sa muling paggising nito, nanghingi ng tulong si Vincent sa dalawa para maprotektahan siya mula sa kanyang sariling ama.

Unti-unti na rin ipinapaubaya ni Lally ang kanyang asawa kay Eric.

Panoorin ang reunion dito:

Patuloy na subaybayan ang kuwento nila sa My Husband's Lover, tuwing Linggo pagkatapos ng The Boobay at Tekla Show.

Huwag palampasin ang aired episodes nito na mapapanood sa official website ng GMA Network o sa GMA Network app.