
Times two ang excitement ng fans at netizens nang mapanood nila ang teaser ng pagbibidahang serye ng Star of the New Gen na si Jillian Ward.
Sa darating na January 2025, bibida si Jillian sa romcom series na My Ilonggo Girl ng word-class team ng GMA Public Affairs.
Dito makakapareha niya ang promising Sparkle actor na si Michael Sager na nakatrabaho na niya noon sa Abot-Kamay na Pangarap at Daig Kayo Ng Lola Ko.
Bumuhos ang positive feedback sa iba't-ibang social media accounts kung saan maraming Kapuso ang gustong makita si Jillian gumanap ng dual role sa isang teleserye.
For more exclusive content and latest happenings about My Ilonggo Girl, visit GMANetwork.com.
RELATED CONTENT: SHOWBIZ JOURNEY OF JILLIAN WARD