
Matapos magpakilig si Shan Vesagas sa hit “Hayskul” series nila ni Esnyr Ranollo, mapapanood naman ang internet heartthrob sa GMA Prime series na My Ilonggo Girl na pinagbibidahan nina Jillian Ward at Michael Sager.
Sa TikTok video na i-pinost sa GMA Network page, may pasilip sa eksena ni Shan kung saan makakasama niya si Nay Gwapa na ginagampanan ni Ms. Arlene Muhlach.
@gmanetwork #MyIlonggoGirl #Exclusive: POGI SPOTTED! 😍 SINO 'TONG BAGONG MAGPAPAKILIG SA ATING ILONGGO GIRL? Ano kaya ang koneksyon ni Shan Vesagas kay Tata? 'My Ilonggo Girl' | Mon-Thurs | 9:35PM sa GMA #ShanVesagas #JillianWard #GMANetwork #Kapuso #fyp ♬ original sound - GMA Network
Ano kaya ang magiging role ni Shan sa kilig-serye?
May koneksyon kaya siya sa ating pretty Ilongga na si Tata (Jillian Ward)?
Samantala, bukod sa appearance ni Shan sa My Ilonggo Girl. Parte na rin ang Kapuso actor ng youth-oriented series na MAKA.
Kung saan bida sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Olive May, John Clifford, Chanty ng K-Pop group na Lapillus, Sean Lucas, at May Ann Basa (also known as Bangus Girl).
RELATED: GET TO KNOW SPARKLE HEARTTHROB SHAN VESAGAS