
Todo hype ang buong team na bumubuo sa My Ilonggo Girl dahil sa “big changes” na mangyayari sa kuwento ni Tata played by Jillian Ward at ng karakter ni Michael Sager na si Francis.
Kahapon, may special teaser plug ng hit GMA Prime mini-series na may kinalaman sa masamang plano ni Vivian (Teresa Loyzaga) para kay Tata.
Lahad ng Star of New Gen sa panayam sa kaniya ng 24 Oras, tutukan ng manonood ang mga susunod na tagpo sa tatlong pangunahing karakter sa My Ilonggo Girl.
Ani Jillian, “Abangan po nila kung maayos pa ba nina Francis at Venice 'yung sa kanilang dalawa or ano'ng gagawin ni Venice kay Tata.”
Sinegundahan naman ito ni Michael na malaki ang epekto nang malaman ni Francis ang panloloko sa kanya ng misis na si Venice.
Paliwanag niya, “Of course, napakasakit nito para kay Francis 'yung asawa niya niloko siya. So, makikita po natin 'yung gagawin ni Francis sa confrontation nila.
“That also affects the relationship of Tata and Francis.”
Hindi rin matatawaran ang on screen chemistry nina Jillian at Michael na binansagan ng fans na “MicJill” kaya naman patuloy na nakukuha ng romcom series ng mataas na TV ratings sa primetime.
Dito, nagkuwento si Jillian sa 24 Oras kung paano inaalagaan ng kaniyang ka-love team ang mga co-star niya sa set.
“Ilang months pa lang kami nagwo-work together. [He is] very down to earth din si Michael and talagang nage-effort po siya na maging komportable 'yung mga katrabaho niya.”
Sabi naman ni Michael na ang pagtatambal nila ng Kapuso actress ay itinuturing niyang “unexpected blessing.”
“I can really say that Jillian has been a big blessing in my life, especially late last year unexpected ito, but unexpected 'yung relationship namin on and off cam. She understands me, I understand her and that really makes me happy.”
Ano naman kaya ang reaksyon ng dalawa na possible silang magtambal sa isang pelikula?
Alamin ang reaksyon nina Jillian at Michael sa video below.
embed:
RELATED CONTENT: KILIG MOMENTS WITH JILLIAN WARD AND MICHAEL SAGER