GMA Logo My Ilonggo Girl finale
Source: GMA Public Affairs
What's on TV

'My Ilonggo Girl,' hiniritan agad ng Season 2 ng fans at netizens

By Aedrianne Acar
Published March 20, 2025 2:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 persons hit by stray bullets in Iloilo, Bacolod
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

My Ilonggo Girl finale


Sigaw ng taong bayan ang Season 2 para sa viral GMA Public Affairs romcom series na 'My Ilonggo Girl.'

Hindi pa man umeere ang finale episode ng high-rating GMA Prime mini-series na My Ilonggo Girl ay humihirit na ang fans ng Season 2.

Makikita sa mga social media accounts ng GMA Public Affairs na maraming viewers ang humihiling na magkaroon ng Season 2 ang kuwento nina Tata (Jillian Ward) at Francis (Michael Sager).

Buhos din ang papuri ng fans para sa mga bida ng romcom series na sina Jillian Ward at Michael Sager na looking forward din sa mga next project ng dalawa.

Samantala, mas naging kaabang-abang ang 'Pinaka-Winner na Finale' ng My Ilonggo Girl matapos i-upload nitong weekend ang finale trailer.

Na-curious din ang mga Kapuso sa isang karakter na makikilala ni Francis na ang pangalan ay si Pia. Sino kaya ito?

Walang aabsent, mga Palangga, at tumutok sa exciting finale ng My Ilonggo Girl sa GMA Prime ngayong gabi, pagkatapos ng Mga Batang Riles!

RELATED CONTENT: CAREER JOURNEY OF JILLIAN WARD AND MICHAEL SAGER