TV

LOOK: Sino ang magiging leading man ni Heart Evangelista sa 'My Korean Jagiya?'

By Felix Ilaya

Simula nang lumipad ang Team ng My Korean Jagiya kasama sina Heart Evangelista at Iya Villania patungong Seoul, South Korea, marami ang nagtatanong kung sino nga ba ang magiging leading man ni Heart sa kaniyang bagong project.

Sa Instagram account naman ng Kapuso actress, patuloy na tini-tease ni Heart ang kaniyang mga followers tungkol sa identity ng South Korean leading man niya.

 

 

 

 

Kung excited na kayong makilala kung sino nga ba ang mystery man na ito, 'wag kayong mag-alala dahil this Tuesday (July 25) ire-reveal na ang pangalan ng leading man ni Heart sa 24 Oras! 'Wag palampasin ang announcement na 'to upang makilala ang bagong magpapakilig sa inyo gabi-gabi sa My Korean Jagiya.