TV

WATCH: 'My Korean Jagiya' star Alexander Lee, mananatili na sa Pilipinas?

By Bea Rodriguez

At home ang Korean actor-singer at former K-Pop idol na si Alexander Lee sa Pilipinas. Masayang-masaya siya sa opportunity na makatambal ang Kapuso leading lady na si Heart Evangelista sa upcoming GMA Telebabad soap na My Korean Jagiya


Mainit ang pagtanggap sa bagong Kapuso leading man na gagampanan ang role ni Kim Jun Ho sa kilig-serye kaya ang sagot niya, “Oh yeah! The food here is good, the people [are] good, the work is fun [so] why not.”
 
Naging espesyal ang kanyang 29th birthday nang i-celebrate ito ng Philippine TV sweetheart sa kanyang tahanan. Memorable ito para kay Alexander, “My favorite place is Heart’s house [because] it’s very relaxing.”

 
Gagampanan naman ng aktres ang papel ni Gia Asuncion na isang Pinay na kinain na ng K-Pop at K-drama ang kanyang sistema. Kwento ni Heart patungkol sa kanyang karakter, “Super fanatic pati ‘yung pananamit niya so ‘yung buong buhay ko [ay] talagang nag-revolve sa K-Pop, lalo na kay Jun Ho. She’s very bubbly.”
 
Simula Lunes (August 21), 9:20 p.m. ay magpapakilig sina Jun Ho at Gia sa GMA Telebabad.


Video courtesy of GMA News