TV

MUST-WATCH: 'My Korean Jagiya' stars Heart Evangelista and Alexander Lee's 'Filipino 101' video reaches 1M!

By Bea Rodriguez
 

Uwian na, may nanalo na!

Laking South Korea man ang dating K-Pop idol na si Alexander Lee ay tila mayroon naman siyang pusong Pinoy. Sumailalim sa “Filipino 101” ang My Korean Jagiya star kasama ang kanyang Kapuso leading lady na si Heart Evangelista na siyang language translator niya.

Halos lahat ng Pinoy expressions ay alam na ni Alexander. Talagang ginalingan niya!

Mayroon ng one million views ang Facebook exclusive video ng mag-love team sa bagong romantic Philippine-Korean TV series na mapapanood na natin bukas (Agosto 21) ng 9:20pm.

Panoorin ang kanilang kulitan sa video na ito: