TV

Ang mga karibal ni Heart Evangelista sa puso ni Alexander Lee sa 'My Korean Jagiya'

By Gia Allana Soriano

Ginagampanan ngayon ni Heart Evangelista ang role ng isang fan girl ng all things Korean na si Gia sa My Korean Jagiya. Si Gia din ay super fan ng aktor na si Jun Ho (Alexander Lee) pero ngayong nagiging close na sila ni Jun Ho, mukhang may mga magiging karibal si Gia sa puso ng aktor: ang ex-girlfriend ni Jun Ho na si Cindy (Valeen Montenegro) at ang secretary na si Hannah (Jinri Park.) 

Ang very sexy na si Hannah ay malapit sa ina ni Jun Ho, si Madam Chairwoman Kim.


Samantalang si Cindy ay ang babaeng minahal nang husto ni Jun Ho bago pa niya masira ang tiwala ng aktor, ngunit ngayon ay nagbabalik na siya sa buhay ni Jun Ho.


May pag-asa pa kaya si Gia? O mao-overtake na ba siya ng dalawang babae sa buhay ng ultimate bias turned boss niya?


Subaybayan ang love story nina Gia at Jun Ho sa My Korean Jagiya pagkatapos ng Mulawin VS Ravena.

Panoorin ang full report ni Cata Tibayan para sa 24 Oras:


Video courtesy of GMA News