TV

Andy Ryu, excited na kinakabahan na mapasama sa cast ng 'My Korean Jagiya'

By Gia Allana Soriano

Nasa bansa na ang Korean actor na si Andy Ryu (Korean name: Ryu Sang Wook) para mag-taping for his upcoming scenes sa My Korean Jagiya. 

 

 

 

 

Ika ng aktor through a translator, "Kinakabahan po talaga siya ngayon dahil first time lang po niya mag-shooting overseas, though he [worked in] many [dramas] in Korea, it's his first time to do such work in the Philippines as well. So very excited at very nervous at the same time."

 

 

Gagampanan niya ang karakter na si Gong Woo, isang aktor na nasa Pilipinas para i-promote ang kanyang pelikula at endorsement.

 

Dagdag pa ng kanyang translator, "Marami na siyang nagawang project sa Korea before, but since it's his first time to do overseas work, [he's] very excited na makapag-contribute naman sa magandang takbo ng show ngayon."

Natutuwa rin ang bagong oppa ng My Korean Jagiya na makita na ang kanyang mga Pinoy fans. Aniya, "He's very happy to see his fans dito po sa Pinas. And as he said it before na sobrang excited siya na makasama ang mga cast at sumama doon sa bagong drama. He'll do his best para maging maganda part ng drama, ng My Korean Jagiya."

Si Andy Ryu ay nakilala sa kanyang mga Korean dramas tulad ng Cinderella Man at Queen Seondok.