TV

WATCH: Edgar Allan Guzman, nalulungkot sa nalalapit na finale ng 'My Korean Jagiya'

By Cherry Sun

Nalulungkot si Edgar Allan Guzman sa nalalapit na pagtatapos ng My Korean Jagiya.

Kuwento ng aktor sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras, sa halos pitong buwan ng hit Kapuso series ay nabuo ang samahan ng cast na ito at labis daw itong napamahal sa kanya. Gayunpaman, nanatili pa rin siyang positibo.

Ani Edgar Allan, “Hindi pa ito ‘yung end. No goodbyes kasi pwede pa kami magkita-kita after the show or bahay, get-together, bonding.”

Sa parehong panayam ay inanyayahan din niya ang mga manonood na tangkilikin din ang lahat ng kalahok sa Metro Manila Film Festival. Si Edgar Allan ay naging bahagi nito sa pelikulang Deadma Walking kung saan siya kinilala bilang Best Supporting Actor.

“Panoorin po natin lahat, hindi lang ‘yung pelikula namin. Panoorin nating lahat ‘yung entries doon sa Metro Manila Film Festival para, lahat naman po kasi deserved nila mapanood eh,” sambit niya.