TV

WATCH: Gil Cuerva, anong reaksyon nang unang makilala si Jennylyn Mercado?

By BEA RODRIGUEZ

Unang nakilala ng baguhang Kapuso star na si Gil Cuerva ang sikat na aktres sa audition ng My Love from the Star at tila parang nahulog ang kanyang panga. Sino ang mag-aakala na siya ang magiging leading man nito, “I guess I was also a bit starstruck kasi si Jennylyn iyon. I’m used to seeing her on TV tapos ngayon [ay] I’ll be acting with her.”

 

Kung dati ay naiilang pa ang model-turned-actor sa kanyang ka-eksena, “Now, I’m more comfortable with her. [I’m] trying to enjoy, [and] I’m trying to learn. I’m blessed na ‘yung first partner ko sa showbiz is Jennylyn. She’s very nice [and] very patient.”

Ang GMA remake ng patok na Korean drama ang first acting break ng 21-year-old leading man, “So far, nag-e-enjoy naman ako. It’s a learning experience for me. All of it, it’s a process na I feel like with each taping day, I’m making progress.”

Nagpapasalamat rin siya sa kanyang mga kasamahan sa serye sa tulong na ibinabahagi nila. Ika niya sa Unang Hirit, “’Yung mga co-stars ko have been very helpful [and] very patient, lalo na ‘pag ‘di ko makuha on the first time. Kapag nagba-buckle ako ng lines, they’re always there to help me [and] give me advice. Everyone [in] the cast has been very nice to me.”

Mapapanood na ngayong Lunes, May 29 ang Pinoy remake ng high-rating Korean drama na My Love from the Star.

Video from GMA Public Affairs