TV

Gil Cuerva looks up to Kapuso Primetime King Dingdong Dantes

By GIA ALLANA SORIANO

Sa press conference for My Love From The Star, sinabi ni Gil Cuerva sa selected press people kung sino ang Kapuso actor na tinitingala niya. Walang iba kundi ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.


Nagkita na ba sila?

Aniya, “I haven’t met him personally. Pero syempre I’ve known Dingdong matagal na. Atenista rin si Dingdong, by the way. So, Atenista rin po ako, eh.”

Si Gil ay nag-aral sa Ateneo de Manila University from grade school to high school, ngunit lumipat siya sa De La Salle University noong mag-college siya. 

Si Dingdong naman ay nag-enroll sa Ateneo noong active pa siya sa showbiz, ngunit dahil sa kanyang busy na schedule, tinuloy niya ang pag-aaral niya sa West Negros University in Bacolod. Kursong Techno Management ang natapos ni Dingdong noong 2014.

Natanong din si Gil kung sino sa mga Kapuso actresses ang gusto niyang maging ka-love team in the future. Ika ni Gil, okay lang sa kanya kung sino man ang mapili ng network na maging kapareha pagdating ng panahon.